Dagdag benepisyo sa dependents ng militar
MANILA, Philippines - Sa gitna ng hindi pa rin na tatapos na kaguluhan sa Zamboanga City, iginiit kahapon ni Senator Edgardo “Sonny†Angara ang pagbibigay ng karagdagang benepisyo sa pamilya ng militar na kalimitang nanganganib ang buhay dahil sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng gobyerno.
Ayon kay Angara, dapat magkaroon ng batas para matiyak ang karagÂdagang benepisyo na makukuha ng pamilya ng militar lalo na yong mga nasasawi sa bakbakan.
Malaki aniya ang katungkulan ng mga sundalo sa pagpapanatili ng soberenya ng bansa.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 261 na tatawaging Military Dependent’s Benefits Act, ang dependents ng mga military personnel ay bibigyan ng educational assistance na nagkakahalaga ng P6,000 bawat taon sa sa loob ng apat hanggang limang taon para sa mga nasa kolehiyo; P4,000 naman para sa mga vocational students; at P3,000 kada taon sa loob ng apat na taon para sa mga secondary students; at P2,000 kada taon sa loob ng anim na taon para sa mga elementary students.
Ang mga military dependents din ay pagkakalooban ng libreng hospitalization kasama na ang professional services, gamot, medical supplies, dispensary o outpatient, ambulance, at free dental serviÂces na ibibigay ng AFP health facilities.
- Latest