Napoles litisin sa selda - Miriam
MANILA, Philippines - Mas matitiyak ang kaligtasan ni Janet Lim-Napoles kung gagawin ang imbestigasyon tungkol sa P10 bilyong pork barrel scam sa loob ng kulungan nito sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.
Mungkahi ito ni Sen. Miriam Defensor-Santiago upang huwag na itong ilabas sa kulungan at ng hindi manganib ang buhay.
Sa isang TV interview, muling pinasaringan ni Santiago si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile sa mga posibleng magtangka umano sa buhay ni Napoles.
Isa si Enrile sa tatlong senador na sinasabing naglagay ng malaking haÂlaga ng pork barrel sa mga pekeng non-government organizations ni Napoles.
“Baka patayin iyan e, on the way. Sa galit ni (Senator Juan Ponce) Enrile na iyan at mga kaalyado niya, baka ipa-sniper iyan,†pahayag ni Santiago.
Mas makakabuti aniyang ang mga senador na lamang ang magtungo sa bilangguan ni Napoles.
Nauna na ring iginiit ni Santiago na sa dami ng nagagalit na mambabatas kay Napoles ay posibleng gumawa ng paraan para ipapatay ito, kaya dapat ay kunan na ito ng testimonya.
“Para andiyan na, nasulat na. Kung ano ang gusto niyang sabihin, pinirÂmahan na niya. Ano man ang mangyari sa kanya, she cannot be silenced anymore kasi andiyan na,†pahayag ni Santiago.
- Latest