^

Bansa

Extension ng Skyway aprub sa Malacañang

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aprubado na ng Malacañang ang kontrata para sa pagtatayo sa Metro Manila Skyway (MMS) Stage 3 Project na kokonekta sa Southern Luzon Expressway (SLEX) sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sinabi ng Department of Transportation and Communications na ma­laking tulong sa mga motorista kapag naidugtong na ang SLEX at NLEX dahil hindi na dadaan ang mga sasakyan sa napaka-trapik na EDSA sa oras na matapos ang proyekto.

Popondohan ang proyekto ng Citra Central Expressway Corporation sa halagang P26.5 bil­yon habang oobserbahan naman ang proyekto ng DOTC at ng Toll Regulatory Board (TRB). 

Ligtas sa baha at ma­laking bahagi umano ng kalsada ay “elevated 6 lane expressway” na may habang 14.2 kilometro.

Tinatayang matatapos ang proyekto sa loob ng tatlong taon kung saan nag-umpisa na ang prepatory at advance works. Ipapatupad naman ang 24-oras na konstruksyon sa ikalawang bahagi ng 2014. 

Umaasa naman ang DOTC na magtutulungan ang DPWH, MMDA at mga lokal na pamahalaan ng Quezon City, Makati at Maynila upang masolus­yunan ang inaasahang mas matindi pang pagbubuhol ng trapiko.

Inaasahan rin na mapapaluwag ng proyekto ang EDSA at iba pang pangunahing kalsada sa Metro Manila habang mapapabilis ang biyahe mula Balintawak sa Quezon City hanggang Buendia, Makati City mula sa 2 oras sa 15 minuto lamang.

Ayon sa Japan International Cooperation Agency (JICA), nasa P2.4 bilyon oportunidad sa ekonomiya ng Pilipinas ang nawawala kada taon dahil sa araw-araw na mabigat na trapiko sa Metro Manila.

 

CITRA CENTRAL EXPRESSWAY CORPORATION

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

JAPAN INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY

MAKATI CITY

METRO MANILA

METRO MANILA SKYWAY

NORTH LUZON EXPRESSWAY

QUEZON CITY

SOUTHERN LUZON EXPRESSWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with