Piyansa ni Napoles hindi nadesisyunan
MANILA, Philippines - Mananatili sa pagkakadetine sa Fort Sto. Domingo sa Laguna si Janet Lim-Napoles makaraang hindi pa magdesisyon si Makati Regional Trial Court Branch 150 Judge Alameda sa mosyon ng kampo nito para payagan siyang makapagpiyan sa kinakaharap na kasong “serious illegal detention†na isinampa ni whistleblower Benhur Luy.
Sa pagdinig kahapon, unang sumalang sa witness stand si NBI Special Task Force executive officer Rodante Berou na siyang namuno sa “rescue operation†kay Luy. Sa cross examination, tinanong si Berou ni Atty. Lorna Kapunan kung bakit walang dalang warrant of arrest ang mga tauhan ng NBI nang isagawa ang pagsalakay sa Pacific Plaza Tower sa Bonifacio Global City noong Marso 22. Sinagot ni Berou na kasalukuyang nagaganap umano ang krimen ng iligal na pagkulong kay Luy kaya sakop ang pag-aresto kay Lim ng “warrantless arrestâ€.
Ngunit tila nasukol si Berou nang aminin nito kay Kapunan na tumangging sumama sa kanila noong una ni Luy nang kanilang iligtas ito at sinabi pa na, “walang ginagawang masama si Kuya Jojo (Reynald Lim).†Pumayag namang sumama sa mga ahente si Luy nang kausapin na ito ng kanyang mga magulang.
Inamin rin ni Berou na hindi nakagapos si Luy nang datnan nila sa condominium unit at wala ring bantay o bodyguard sa paligid.
Tumanggi naman si Judge Alameda sa hiling ni Kapunan na panoorin ang isang video footage na kuha sa CCTV caÂmera sa condo unit upang ipakita na hindi nakakulong si Luy. Sinabi ng huwes na kailangan pa munang ma-authenticate ang video footage bago ito mapanood sa korte.
Pero nang magkaroon ng break sa pagdinig ay ipinakita umano sa media ni Kapunan ang video kaya nagbanta si Judge Alameda na kakasuhan ng “contempt†si Kapunan.
Itinakda ang susunod na mga pagdinig sa bail petition ni Napoles sa Oktubre 2, 7, 14 at 25.
- Latest