‘Not guilty’-- Verzosa
MANILA, Philippines - Nagpasok ng not guilty plea si dating PNP chief Jesus Verzosa hinggil sa kasong graft sa Sandiganbayan may kinalaman sa umano’y maanomalyang transaksiyon sa pagbili ng mga second-hand na helicopters na may halagang P34.6 million noong 2009.
Sa record, binili ng PNP ang isang Robinson R44 Raven II chopper at dalawang R44 Raven I helicopters mula sa MAPTRA company sa naturang haÂlaga. Sinasabing dalawa sa naturang choppers ay nabili ng second hand at na hindi brand new.
Nakuha umano ng MAPTRA ang choppers mula sa Lionair, ang exclusive distributor ng Robinson choppers sa Pilipinas.
Magugunitang isang mataas na opisyal ng Lionair ang nagsabing si dating first gentleman Mike Arroyo, asawa ni dating PaÂngulong Gloria Arroyo ang umano’y tunay na may ari ng naturang helicopters.
Una nang nag-plead ng not guilty si Mr. Arroyo sa issue. Kinasuhan din sa chopper scam ang mga subordinates ni Verzosa na sina Herold Ubalde, Roman Loreto, George Quinto Piano, Edgar PaÂatan at Avensuel Go Dy.
Itinakda ang pagdinig sa October 11, 21 at 25, 2013.
- Latest