Laguna Gov. Ejercito sinipa ng Comelec
MANILA, Philippines - Dahil sa overspending o sobra-sobrang gastos sa pangangampanya, diniskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) First Division si Laguna Governor Emilio Ramon “E.R†Ejercito sa pagtakbo sa nakalipas na mid-term elections.
Tinukoy ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na sa patalastas pa lamang sa telebisyon ay umabot na sa mahigit P6 milyon ang gastos ni Ejercito.
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 96-15, alin sunod sa Fair Elections Act ay pinapayagan lamang ang isang kandidato na gumastos ng tatlong piso sa kada botante na sakop ng lugar kung saan siya tumatakbo.
Ang Laguna ay mayroong mahigit isa at kalaÂhating milyong rehistradong botante kaya dapat ay hindi luÂmagÂÂpas sa P4.5 million ang gastos sa pangangamÂpanya ni Ejercito.
Paliwanag naman ni Commissioner LuÂcenito Tagle na pumirma sa resolusyon bilang PresiÂding Commissioner ng Comelec First Division, maari pang iapela ni Ejercito ang desisyon ng First Division sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconÂsiÂderation sa Comelec En Banc.
Ipinaliwanag naman ni Tagle na kapag naging pinal ang desisyon ng Comelec ay kinakailaÂngang umaÂlis sa pwesto si Ejercito at ang papalit sa kanya ay ang bise gobernador ng lalawigan na si Dan FernandezÂ.
- Latest