Drilon pipilitin sa subpoena vs Napoles
MANILA, Philippines - Igigiit pa rin ni SeÂnator Teofisto Guingona III, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, kay Senate President Franklin Drilon na pirmahan nito ang subpoena laban kay Janet Lim-Napoles upang mapaharap ito sa hearing sa Senado.
“We urge you to reconsider your decision to approve a subpoena issued to Janet Lim-Napoles. A response within three (3) days would be appreÂciated,†sabi ni Guingona sa kanyang limang pahinang sulat kay Drilon.
Binanggit ni Guingona ang mga ipinalabas na desisyon ng Supreme Court na nagsasabing maaring ipatawag sa pagdinig sa Senado ang sinumang reÂsource person kahit pa may kaso pero wala pang pinal na hatol ng korte.
Ipinagtataka ni Guingona kung bakit mistulang pinipigilan ni Drilon ang pagharap ni Napoles sa komite. Hindi maintindihan ni GuinÂgona kung ano ang sobrang “confidential†kay Napoles na hindi maaring marinig sa hearing ng kanyang komite.
Ayon pa kay Guingona wala siyang nakikitang “logical sense†sa naging desisyon ng lider ng Senado lalo pa’t pumayag naman itong ipa-subpoena ang mga whistleblowers.
Simula umano ng maupo si Guingona bilang chairman ng Blue Ribbon Committee, ay naka 22 kabuuang subpoenas na ang dati at kasalukuyang Senate President at nakakapagtaka kung bakit ngayon hindi maaring lagdaan ang kay Napoles.
Naniniwala si GuinÂgona na kung kinikilala ni Drilon ang kapangyaÂrihan ng Ombudsman na protektahan ang ilang bagay na dapat na ituring na confidential, hindi dapat nilagdaan ng Senate PreÂsident ang subpoena para sa mga whistlebloÂwers.
- Latest