JPE utak sa Zambo – Miriam
MANILA, Philippines - Inakusahan kahapon ni Sen. Miriam Defensor Santiago si Senate MinoÂrity Leader Juan Ponce Enrile na diumano’y utak sa pag-atake sa Zamboanga City na sinasabing ginastusan ng P40 milyon.
“Enrile is so despeÂrate that he is like a crocoÂdile, who has left his maÂritime kingdom and is flapping around on land, still ho ping to kill his prey,†sabi ni Santiago.
Kumbinsido umano ang senadora na may kiÂnalaman si Enrile sa pagÂlulunsad ng rebelyon ng grupo ni Nur Misuari sa Zamboanga City.
Si Enrile rin umano ang tiyak na nasa likod ng talumpati ni Sen. Jinggoy Estrada na nanawagan na imbestigahan siya at ang mga itinuturing na kaaway ni Enrile na sina Sen. Alan Peter Cayetano at mga dating senador Francis PaÂngilinan at Manny Villar.
Sabi ni Santiago, hindi pa rin nakakalimutan ni Enrile ang ginawa niyang pagbubunyag sa P2 milÂyong Christmas bonus ng mga senador noong nakaraang Disyembre.
“Estrada’s speech was 14 single-spaced pages long, but I was already implicated as early as page 3, with Enrile’s usual cloÂying malice. I was named No. 1 on the list, because Enrile is seething at me for exposing his P2M Christmas bonus last December. Whenever I am involved, he becomes obsessive-compulsive or OC,†ani Santiago.
Isinama siya sa listahan ng mga senador sa isang special audit report ng COA na sinasabing hindi naipatupad ng tama ang kanilang mga proyektong pinondohan ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF).
Ipinunto ni Santiago na kasalanan ng implemen ting agency at hindi ng senador kung hindi naipatupad ng tama ang proyekto.
Kumbinsido rin umano si Santiago na si Enrile rin ang utak ng Napoles pork barrel scam dahil ito ang lider ng Senado sa kasagsagan ng mga aktibidad ng mga NGOs ni Janet Napoles.
“Enrile has moral ascendancy over his colleagues in the political opposition, namely, Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, and Sen. Gregorio Honasan. They could easily have entered into a conspiracy, just as there appears to have been a conspiracy between Enrile and his ill-starred chief of staff, Atty. Gigi Reyes,†ani Santiago.
- Latest