^

Bansa

Kapag napatunayan ang alegasyon ni Tatad: Lacierda magbibitiw sa puwesto

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na magbibitiw siya sa puwesto kapag napatunayan ni Sen. Kit Tatad ang kanyang alegasyon na ginamit na conduit ng Palasyo si Janet Lim-Napoles para sa impeachment ni Chief Justice Renato Corona at pagpasa ng Reproductive Health Law.

Sinabi ni Sec. La­cier­da, walang katotohanan ang mga bintang ni Sen. Tatad.

Ayon kay Lacierda, dapat ipakita ni Tatad ang ebidensiya upang patotohanan ang kanyang mga alegasyon na ginamit ng administrasyon si Napoles.

Idinagdag pa ni Lacierda na dapat pangalanan ni Tatad ang kanyang source na nagsasabing nakipag-lunch daw si Pangulong Aquino kay Napoles.

“If he can prove to me that Napoles had lunch with the President, I will resign, simple as that,” hamon pa ng tagapagsalita ng Malacañang.

Aniya, kapag hindi niya napatunayan ang kanyang (Tatad) mga alegasyon ay dapat humingi siya ng apology sa Pa­ngulo at sa kanya.

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

JANET LIM-NAPOLES

KIT TATAD

LACIERDA

NAPOLES

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

REPRODUCTIVE HEALTH LAW

TATAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with