SSS aayuda sa Zamboanga
MANILA, Philippines - Naglunsad ang Social Security System (SSS) ng isang assistance package upang matulungan ang mga miyembro nito na apektado ng kaguluhan sa Zamboanga City.
Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros Jr, ang mga apektadong miyembro na taga Zamboanga ay maaaring mag avail ng salary loans, house repair at improvement loans na may mababang annual interest rate
Sinabi ni de Quiros, maaari ding maka renew ng salary loan ang mga miyembro ng mas maaga sa itinakdang petsa ng araw ng kanilang regular loan.
Wala din anyang parusa sa mga miyembro na taga Zamboanga na may utang na dahil sa epekto ng kaguluhan ay hindi agad makababayad basÂta mag avail lamang sa Loan Penalty Condonation Program ng ahensiya.
Ang mga miyembro naman na tumatanggap ng pension para sa retirement at disability o ang survivor pensioners ay maaaring makuha ng advance ang kanilang 3 buwang halaga ng pension sa ilalim ng SSS assistance package.
- Latest