^

Bansa

Gigi Reyes ‘nilaglag’ ni Enrile

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng sama ng loob ang dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce-Enrile sa umano’y pagtatraydor ng dating amo sa isyu ng multi-bilyong pork barrel scam.  

Sa kaniyang pahayag sa pamamagitan ng Facebook, binigyang diin ni Atty. Gigi Reyes na naging tapat siya kay Enrile sa loob ng mahigit 25 taon nitong panunungkulan.

“The worst blow has just been dealt upon me by no less than the camp of Senator Juan Ponce-Enrile, the man I served with full dedication, honesty and loyalty for 25 years,” sabi ni Reyes.

Aniya, wala na siyang komunikasyon sa senador simula nang mag-resign siya bilang chief of staff nito at piniling manahimik na lamang sa ibang bansa.

Naunang ipinahayag ni Enrile na hindi nito pinahintulutan ang kaniyang chief of staff sa pork barrel transaction sa NGO ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles. 
Aniya, kung pagbabasehan ang huling beses na nakausap niya ang dating boss, mismong ang senador pa ang nagsabing paninindigan nito ang suporta sa dating chief of staff.

“He even told me to be strong; that we will fight together to prove the accusations against us are false and fabricated. I never once thought that this day would come. If indeed these statements are sanctioned by or coming from my former boss, then nothing can be worse than this kind of travesty and betrayal, “ dagdag pa ni Reyes.
Sina Enrile at Reyes ay nahaharap sa kasong plunder na isinampa ng NBI sa Office of the Ombudsman.

Pero nagpahayag din ng pagdududa si Reyes kung awtorisado ni Enrile ang mga naging pahayag ng abogado nito (Atty. Enrique dela Cruz). 
Sinabi rin nitong posibleng pulitika ang nasa likod ng akusasyon ni Atty. Levito Baligod, ang abogado ng ilang whistleblower sa pork barrel scam.

Aniya, si Baligod ay nagmula sa Tuao, Cagayan na siyang teritoryo ng mga kalaban ng pamilya Enrile sa pulitika.

Inihayag ni Reyes na may kinuha na siyang abogado na magtatanggol sa kaniya. 

Sa rekord ng Bureau of Immigration, nakalabas ng bansa si Reyes noong Agosto 31, 2013 bago pa man nailabas ang “lookout bulletin”.

vuukle comment

ANIYA

BUREAU OF IMMIGRATION

ENRILE

GIGI REYES

JANET LIM-NAPOLES

JUAN PONCE-ENRILE

LEVITO BALIGOD

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with