2 patay kay ‘Odette’
MANILA, Philippines - Bago tuluyang lisanin ang bansa, nag-iwan naman ang bagyong Odette ng dalawa kataong patay habang dalawa pa ang nawawala.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang mga nasawi na sina Alejandro Abalos, 50, at April Kim Manuel, 20. Patuloy naman ang paghahanap sa dalawa pang nawawala na sina Elenita Abalos, 52, at Suzette Abalos, 28.
Sabi ng NDRRMC, ang mga nasawi at naÂwawalang biktima ay mula sa lumubog na barkong M/V Mikee Rose 1 sa Aurora Province.
Umabot naman sa 4, 191 pamilya o 19, 778 katao ang naapektuhan sa region 1,2,3,4-B at CAR.
Samantala, kanselado ang 32 international flights patungong Hongkong dahil sa bagyong Odette.
Hindi na pinayagang maglakbay ng pamunuan ng Philippine Airlines ang 15 flights nito kabilang ang 5 flights papasok at paÂlabas ng Hong Kong tulad ng biyaheng PR306/307, PR 310/311at PR 312.
Isinama pa ng PAL ang 2 flights tulad ng Mla-Guangzhou-Mla, 2 flights mula Mla-Xiamen-Mla, 2 flights mula Mla-Shanghai-Mla, 2 flights ng Mla-Pudong-Mla at 2 flights mula Mla-Macau-Mla.
Sinuspinde naman ng Cathay Pacific ang 8 flights nito patungo at pabalik ng HK, CX902, 913, 905/904, 912 at CX 901. Ang China Southern ay nagkansela rin ng biyahe nila mula Manila papunta Xiamen.
Ang Cebu Pacific ay nagkansela ng 8 flights papunta ng Hong Kong kabilang ang 2 flights mula Manila-Macau-Manila dahil sa bagyo.
- Latest