Neophyte solons tutulong sa Zambo
MANILA, Philippines - Pabor ang mga neophyte congressmen sa resolusyon ng Kamara na mag-ambagan ang mga mambabatas sa pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga apektado ng Zamboanga crisis.
Sinabi ni Marinduque Rep. Regina Reyes, malaÂking halaga ang kinakailangan para sa rehabilitasyon ng mga nasirang bahay, imprastraktura at kabuhayan sa Zamboanga City dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.
Ayon kay Reyes, lahat sila ay suportado ang inisyatibong ito nina House Speaker Feliciano Belmonte, House Majority Leader Neptali Gonzales II at Minority Leader Ronaldo Zamora para matulungan ang mga apektado nating kababayan na naipit sa kaguluhan.
Inaprubahan ng Kamara ang House Resolution 303 nina Belmonte, Gonzales at Zamora upang magbigay ng financial assistance sa mga biktima ng krisis sa Zamboanga City.
Sa ilalim nito, P10,000 ang ikakaltas sa isang buwang suweldo ng bawat isang mambabatas at dahil nasa 289 ang kasalukuyang miyembro ng Kamara ay inaasahang aabot sa P2.89 milyon ang malilikom na halaga.
- Latest