Abusadong guro pasok din sa Anti-Bullying
MANILA, Philippines - Pati mga guro ay maÂparurusahan din sa ilalim ng ipinasang Anti-Bullying Law kung aabuso sa kanilang mga mag-aaral.
Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na ikinukunsidera na ngayon na “bullying†ang nakaÂgawian ng dating mga guro na pamamahiya sa mga mag-aaral tulad ng panenermon sa harap ng ibang estudyante, pagpaparusa tulad ng pagpapatayo sa dingding lalo na ang pananakit.
Bago maipasa ang Anti-Bullying Law, may umiiral nang DepEd Order no. 40 series of 2012 na nagpaparusa sa mga guro na namamahiya sa kanilang mga mag-aaral, ani Luistro.
Ngunit iginiit ng kalihim na ang pambu-bully ay hindi lamang dapat ikinukunsidera na problema ng mga paaralan ngunit ito ay dapat na makita na mas malaking problema ng lipunan o isang “societal problem†kung saan may mas malaking pananagutan ang mga magulang ng mga bata.
Malugod na tinanggap ng DepEd ang naturang batas na tiyak na makakatulong umano sa paghubog nila ng mga paaralan na ligtas, mapagmahal at sentro ng karunungan sa bansa.
Agad umanong bubuuin na ng DepEd ang “implementing rules and regulations (IRR) ng naturang batas sa konsultasyon sa mga apektadong sektor.
- Latest