Marantan, 12 pa arestuhin!
MANILA, Philippines - Pinaaaresto na ng korte sa Gumaca, Quezon ang 13 kinasuhan ng multiple murder kaugnay ng madugong insidente na naganap sa Atimonan checkpoint noong Enero 6, 2013.
Kinumpirma kahapon ni DoJ Secretary Leila de Lima na nagpalabas na ng warrant of arrest si Judge Chona Fulgar Navarro ng Gumaca, Quezon Regional Trial Court kung saan batay sa kautusan ng korte, walang inirekomendang piyansa.
Sa 43 pahinang resoÂlusyon na inaprubahan ni Prosecutor General Claro Arellano, sinampahan ng kasong multiple murder sina Supt. Hansel Marantan; Supt. Ramon Balauag, C/Insp. Grant Gollod; S/Insp. John Paolo Carracedo; S/Insp. Timoteo Orig; SPO3 Joselito De Guzman; SPO1 Carlo Cataquiz; SPO1 Arturo Sarmiento; PO3 Eduardo Oronan; PO2 Nelson Indal; PO2 Al Bhazar Jailani; PO1 Wryan Sardea at PO1 Rodel Talento alyas Rodel Tolentino.
Obstruction of justice naman ang isinampa laban kina Police Sr. Insp. John Paolo Carracedo at Army officer na si Lt. Rico Tagure.
Inabsuwelto naman ng DoJ sa kasong multiple murder sina C/Supt. James Andres Melad at mga tauhan ng Army na sina Lt. Col. Monico Abang, Capt. Erwin Macalinao, Lt. Rico Tagure, Corporal Rogelio Tejares, Private First Class Ricky Jay Borja, Private First Class Michael Franco, Private First Class Gil Gallego, Private First Class Melvin Lumalang, Private First Class Alvin Roque Pabon, Private Emergin Barrete at Private Marc Zaldy Docdoc.
Absuwelto rin sa obsÂtruction of justice ang mga tauhan ng PNP-Quezon crime laboratory.
Nabatid na 13 katao ang namatay nang haraÂngin ng grupo ni Marantan sa isang checkpoint sa Atimonan ang dalawang SUV kabilang na ang sinasabing jueteng lord na si Vic Siman.
- Latest