SK postponement pasado sa House
MANILA, Philippines - Inaprubahan na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukala para sa pagpapaliban ng Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Sa pamamagitan ng Viva Voce vote ay mabilis ang naging proseso sa plenaryo ng House Bill 2849 matapos itong i-sponsor ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Fred Castro.
Ayon kay Castro sa ilalim ng House Bill 2849, ipagpapaliban ang SK elections hanggang Oktubre 26 at hindi maaring manatili sa posisyon ang mga kasalukuÂyang SK officials matapos ang termino sa Oktubre 2013.
Paliwanag ni Castro, maraming natukoy na kahinaan sa kasalukuyang sistema ng SK kasama na ang hindi malinaw na panuntunan at programa ng SK at maagang pagkakalantad ng SK officials sa highly poliÂtical exercise sa kanilang murang edad.
Mahina rin umano ang control mechanism sa SK kaya nawawaldas ang pondo at wala rin kapasidad ang SK officials na pumasok sa kontrata dahil sa kanilang edad.
Karaniwan din umanong inirereklamo na tamad ang mga SK officials na dumalo sa mga sesyon ng konseho.
- Latest