MM nakaalerto
MANILA, Philippines - Isinailalim sa heightened alert ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang buong puwersa nito sa Metro Manila upang tiyakin ang peace and order.
Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac na effective immediately ang heightened alert base sa direktiba ni NCRPO Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. upang tiyakin na walang spillover ng gulo sa Zamboanga City sa Metro MaÂnila, pagsabog sa daÂlawang sinehan sa SM Mall at Gaisano Mall sa Davao City at ang mainit na isyu ng mga kilos protesta kontra Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel na kinasangkutan ng “mastermind†na si Janet Lim-Napoles.
Bukod dito ay minomonitor din ang presensya ng mga miyembro at opisyal ng Misuari breakaway group sa MM kung saan inatasan ni Garbo ang limang District Police Director ng NCRPO na makipagdiyalogo sa Muslim communities.
Mahigpit na binabantayan ngayon ang mga malls, bus terminals, mga daungan, paliparan at iba pang mga matataong lugar.
Bantay sarado rin ang mga Embahada ng iba’t ibang mga bansa at commercial districts.
“We intensified our monitoring, target hardeÂning measures and intelligence operations,†giit pa ng opisyal.
- Latest