^

Bansa

‘Odette’ lalong lumakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumakas pa ang bagyong Odette habang naka-stationary sa may karagatang sakop ng Tuguegarao. Alas-11 ng umaga kahapon, si Odette ay namataan ng Pagasa sa layong 800 kilometro silangan ng Tuguegarao taglay ang lakas ng hanging 95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 120 kilometro bawat oras.

Si Odette ay kumikilos pakanluran sa bilis na 7 kilometro bawat oras. Ang bagyo ay magdadala ng mga pag-uulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon at Southern Luzon, maging sa bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa epekto dito ng habagat.

Patuloy na pinapayuhan ng Pagasa ang mga mangingisda na may maliliit na bangka na huwag munang maglalayag sa karagatan sa mga nabanggit na lugar dahil sa malalaking alon dulot pa rin ng habagat.

CENTRAL LUZON

LUMAKAS

MINDANAO

PAGASA

PATULOY

SOUTHERN LUZON

TUGUEGARAO

VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with