Anti-drunk and drugged driving di pa ipatutupad
MANILA, Philippines - Hindi pa mapaparusahan ng batas ang mga lalabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.
Ito ay dahil kailangan pang bumilang ng apat na buwan dahil kailangan pang makabili ang gobyerno ng mga gamit upang masuri ang toxicity level ng alak at droga na nagamit at nainom ng motorista.
Sinabi ni Transportation Undersecretary for Project Implementation and Special Concerns Julianito Bucayan Jr., maaari lamang silang makabili ng mga breath analyzers, drug testing kits, pen lights, at iba pang gamit para dito kapag naaprubahan na ang implementing rules and regulations (IRR) ng naturang batas.
Nilinaw din ng DOTC na bukod sa pagbili ng naturang mga gamit ay kailangan pang kumain ng ilang buwan para sa transition period para mabigyan ng higit na kaalaman ang publiko hinggil sa bagong batas na nagpaparusa sa mga motoristang lasing at nakagamit ng illegal na droga.
Sinasabing sasanayin din ang mga enforcers ng LTO at deputized agents sa kung paano ang tamang paraan ng paghuli sa mga lalabag sa batas at kung paano maisasagawa ang on-the-spot alcohol at drug tests para rito.
Ilang medical expert naman ang nagsasabi na 2 bote lamang ng alak na maiinom ng isang motorista ay positibo na ito sa alcohol test.
- Latest