^

Bansa

104 death toll, 184 sugatan MNLF nauubusan na ng bala

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nauubusan na umano ng bala at kinakapos na rin sa supply ng pagkain kaya nagsisitakas na ang Moro National Liberation Front (MNLF) kaugnay ng krisis sa Zamboanga City na nasa ika-11 araw na ngayon.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr., na patuloy na humihina ang pu­wersa at depensa ng mga kalaban kung saan ang bakbakan ay nakasentro na lamang sa mga barangay Sta. Catalina at Sta. Barbara.

“There are pockets of resistance but the rouge MNLF were running low in ammunition,” ayon sa opisyal.

Patunay na nauubusan na ng bala ang MNLF ay ang pagkakarekober ng ilang mga armas sa encounter kahapon sa KGK Building sa Sta. Catalina na wala ng mga bala. Kabilang dito ay isang US M1 rifle, isang cal. 45 pistol, set of bandoleers at isang M14 rifle.

Kamakalawa ay da­la­wang sundalo ang napaslang ng sniper ng MNLF at dalawa pa ang nasugatan. Dalawa pang bihag ang nai­ligtas sa Sta. Catalina. Umaabot na sa 152 hostages ang nasagip. Samantala, nasa 104 ang death toll at 184 ang nasugatan.

Kabilang sa mga nasawi ay 11 sundalo, tatlong pulis, pitong sibilyan at 83 MNLF rebels.

Patuloy ang clearing operations sa mga Improvised Explosive Device (IED) na itinanim o posibleng naiwan pa ng MNLF sa mga lugar na nabawi na ng tropang gobyerno.

 

CAMP AGUINALDO

DALAWA

DOMINGO TUTAAN JR.

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

KABILANG

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

SPOKESMAN BRIG

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with