^

Bansa

Plunder vs ‘pork’ solons, Napoles, atbp. isinampa: 1 trak na ebidensiya

Ludy Bermudo, Doris Franche Borja at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang trak na mga ebidensiya ang dinala sa tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng paghahain ng kasong plunder laban sa ‘utak’ ng P10-B pork barrel scam na si Janet Lim Napoles at ilang mambabatas sa Senado at Mababang Kapulungan.

Ang mga dokumentong ebidensiya ay bumubuo umano ng tinatayang 1-mil­yong bond paper na pinaniniwalaan ni DOJ Sec. Leila de Lima na sapat para sa isang air tight case.

Pasado alas-3:00 ng hapon nang tumulak ang  convoy ng NBI-Special Task Force, Sec. De Lima, kasama ang mga whistleblower sa pangunguna ni Benhur Luy, Atty. Levito Baligod, at kahun-kahong dokumento sakay ng kulay puting six-wheeler trak na ineskortan ng motorcycle riding members ng Philippine National Police-Highway Patrol Group.

Mismong si Ombudsman Conchita Carpio Morales ang humarap kina Sec. De Lima para tanggapin ang bulto bultong dokumento na kinabibilangan ng may 750,000 pahina na ebedensiya kaugnay ng pork scam.

Sa ginanap na press conference sa Ombudsman, niliwanag ni De Lima na plunder ang inihain nilang kaso laban kina Sens. Ramon ‘Bong’ Revilla, Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada at dalawang dating congressman na sina Rep. Rizalina Seachon-Lanete at Rep. Edgar Valdez dahil mahigit sa P50 milyon ang nakuhang komisyon sa pakiki­pagsabwatan kay Napoles para  magamit ang kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Tatlong mambabatas pa ang kinasuhan ng malversation of public funds, direct bribery  ay sina da­ting Rep. Rodolfo Plaza, Rep. Samuel Dangwa at Rep. Constantino Jaraula dahil mababa sa P50 mil­yon ang nakomisyon.

May kabuuang 38 katao na kinasuhan kahapon kabilang dito ang mga opis­yal ng mga implementing  agencies na nakipag kutsaba kay  Napoles tulad ng National Livelihood Development Council, Trai­ning and Research Center, NABCOR at ilang staff ng mga mambabatas.

Base sa rekord ng NBI, si Estrada ay nagbigay  umano ng malaking pondo sa pekeng foundation ni Napoles na Social Deve­lopment Program for Far­mers, National Agri Business Corporation.

Si Enrile naman ay nagbigay ng pondo sa Agri-Economic Program for Farmers Foundation Inc; Agrikultura para sa mga Magbubukid; Agri and Economic Program for Farmers Foundation; Countrywide Agri and Rural Economic Development Foundations Inc. (CARED),

Habang si Revilla ay gumamit ng NGO ni Napoles na Agrikultura para sa Magbubukid Foundation Inc.;  Social Development Program for Farmers Foundation Inc.;  Agri Economic Program for Farmers Foundations; Masaganang Ani Para sa Magsasaka Founda­tions; National Agribusiness Corporation;  Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundations Inc;  at Agrikultura Para sa Magbubukid Foundation Inc; Philippine Social Development Foundation Inc. at Social Development Program for Farmers Foundation Inc.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima,  ibinatay ang demanda sa mga affidavit na isinumite sa NBI 10 whistleblower.

Sec. De Lima dumalo muna sa misa

Bago  ang paghahain ng kaso ay dumalo muna sa misang officiated ni Fr. Jude Tadeos-Besigna si Sec. De Lima, mga opisyal ng NBI, Atty Ba­ligod, Benhur Luy, Merlina Sunas at iba pang whistleblowers.

Sa kanyang homily, ina­witan  ni Fr.  Besigna, ng “Bulag, Pipi at Bingi” na awitin ni Freddie Aguilar ang mga whistleblo­wers, at kanyang pinaliwanag na inilalarawan sa nasabing awitin  na  maraming mamamayan na walang alam sa paglustay ng pondo ng  gobyerno at nangangarap na sana ay lumabas ang katotohanan.

Samantala, sa kanyang panig, sinabi ni De Lima na siya ay nagpapasalamat sa naging pag­gabay at tulong ng Panginoong Diyos upang maisulong ang kaso, pinasalamatan din ng kalihim ang NBI, ang mga whistleblowers at ang suportang ibinigay ng  taumbayan.

Sinabi ng kalihim na  unang batch pa lamang ang kasong sinampa kahapon  dahil may mga susunod pang indibiduwal na idedemanda dahil sa pork barrel scam.

Itinuturing ng kalihim na historical ang pagkakasampa ng kaso lalo pa at malalaking personalidad ang inimbestigahan.

 

Bong, Jinggoy at Enrile haharapin ang kaso

Tiniyak naman nina Sens. Ramon Bong Revilla Jr., Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile na nakahanda silang harapin ang kasong plunder na inihain laban sa kanila sa Office of the Ombudsman.

Kapwa nagpakita kahapon sa Senado sina Revilla at Estrada at dumalo rin sa sesyon sa kabila ng ulat na sasampahan na sila ng kasong plunder.

Sa isang panayam habang dumadalo sa ses­yon, naluluhang inamin si Revilla na masakit ang nangyayari sa kanya.

Inihayag din ng senador na magsasalita siya sa tamang oras at humiling din ito sa taumbayan na huwag silang husgahan.

BENHUR LUY

DE LIMA

FARMERS FOUNDATION INC

FOUNDATION

NAPOLES

REVILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with