Sign language captions sa TV
MANILA, Philippines - Dapat magkaroon ng sign language captions o inset sa bawat pagbabalita sa telebisÂyon upang maunawaan ng mga may kapansanan sa pandinig.
Sinabi ni Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate committee on public information and mass media, sa sandaling makapasa ang kanyang panukalang batas ay oobligahin ang mga television networks na magkaroon sila ng sign language inset o caption sa bawat news program ng kanilang himpilan.
Mabibigyan din ng pagkakataon ang mga pipi at bingi na maintindihan at magkaroon sila ng partisipasyon sa mga isyung kinakaharap ng bansa.
May counterpart bill na ito sa Kamara kung saan ay inihain ni Rep. Neri ColmiÂnares ng Bayan Muna nag House Bill no. 359 o Filipino Sign Language Insets for News Program Act of 2013.
- Latest