^

Bansa

Ex-chief of staff ni JPE hindi na bumalik ng Pinas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na umano bu­malik ng bansa ang dating chief of staff ni Senate Minority Lea­der Juan Ponce Enrile na si Jessica Lucila “Gigi” Gonzales Reyes, kung saan nakatakda sana itong dumating ng Pilipinas noong Set­yembre 3.

Ito ang napag-alaman kay Bureau of Immigration officer-in-charge Siegfred Mison kung saan kinumpirma nito na lumabas ng  bansa si Reyes noong Agosto 31 dakong alas 7:50 ng gabi via Cebu Pacific flight 5J 362 patungong Macau.

“We have no record of her coming back. She has a ticket coming back but I don’t think she has used it to come back because we have no record of anyone using her name on September 3,” ani Mison.

Si Reyes ang da­ting  chief of staff of En­rile, na isa sa mga senador na isinasangkot sa pork barrel scam ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.

Umalis si Reyes ng bansa dalawang araw matapos lumabas sa isang pahayag ang testimonya ng isa sa mga saksi na umano’y nagdala ng ‘pork barrel’ kay Reyes.

Kamakalawa ay sinabi ng pork scam whistle-blower na si Benhur Luy sa Senate Blue Ribbon Committee hearing na ilan sa mga chiefs of staff ng mga senador at kongresista ay nakakakuha ng komisyon mula kay Napoles.

Aminado si Mison na wala namang hold departure order o watch list order laban kay Re­yes kaya’t pinayagan itong umalis ng bansa.

BENHUR LUY

BUREAU OF IMMIGRATION

CEBU PACIFIC

GONZALES REYES

JANET LIM NAPOLES

JESSICA LUCILA

JUAN PONCE

MISON

REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with