^

Bansa

De Lima haharap ngayon sa ‘pork’ hearing

Malou Escudero, Doris Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumpirmadong dadalo sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong umaga si Justice Secretary Leila de Lima at iba pang opisyal ng DOJ kasama rin ang mga sinasabing whistleblo­wers na nagbunyag ng P10 bil­yong pork barrel fund scam kung saan sangkot ang ilang senador at congressmen.

Ipagpapatuloy ng ko­mite na pinamumunuan ni Sen. Teofisto Guingona ang pagdinig ngayong alas-10 ng umaga.

Kabilang sa mga haharap si Agriculture Sec. Proseso Alcala kasama ang pinuno at kinatawan ang ilang implementing agencies na nasa ilalim ng DA na sinasabing pi­naglagyan ng pork barrel ng mga mambabatas pero ibinigay naman sa mga pekeng non-government organizations na konektado kay Janet Lim-Napoles.

Hindi naman kinumpirma kung kasama rin sa darating na whistleblower si Benhur Luy, ang pangunahing testigo sa scam.

Samantala, tikom ang bibig ni de Lima sa report na kasama sa mga unang kakasuhan sa Ombudsman ang mga senador at kongresista dahil sa maanomalyang paggamit ng pork barrel.

Bagama’t hindi iti­nanggi, hindi rin kinumpirma ni de Lima ang lumabas na report ngunit nagtataka siya kung bakit lumabas ang mga nasabing pangalan.

Una nang napaulat na kasama sina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Gigi Reyes na da­ting chief of staff ni Enrile sa mga ipaghaharap ng rek­lamong plunder.

AGRICULTURE SEC

BENHUR LUY

BONG REVILLA

GIGI REYES

JANET LIM-NAPOLES

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

JUSTICE SECRETARY LEILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with