Tulong ng UN hingi sa Zambo crisis
MANILA, Philippines - Kailangan na umaÂnong manghimasok ang United Nations (UN) upang mareÂsolba ang krisis sa Zamboanga City matapos ang paglusob ng daan-daang miyembro ng Misuari breakaway group na may hawak pang mga residenteng hostages.
Ayon kay Crisis Committee Council (CMC) ChairÂman at Zamboanga City Mayor Isabelle “Beng†Climaco-Salazar, hinihiling ng MNLF ang pagpasok sa eksena ng UN upang maresolba ang krisis dahil isa umano itong mabigat na problema.
Ayon kay Climaco, nagÂmamatigas umano ang grupo ng MNLF na pinamumunuan ni Nur Misuari at limang commanders nito na nasa likod ng bakbakan sa Zamboanga na makiÂpagÂnegosasyon sa mga lokal na opisyal ng pamahalaan para palayain ang nalalabi pang mga bihag.
Sa pinakahuling update, tinatayang 30-37 pang sibilyan ang hinoÂstage habang dalawa pang miyembro ng MNLF ang napaslang sa pakiÂkiÂpagbakbakan sa tropa ng pamahalaan kahapon sa Zamboanga City.
Sa biglaang press briefingÂ, sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan, alas-3:30 ng hapon ng makaÂsagupa ang security forÂces ang MNLF breakway group sa Brgy. CaÂÂnelar.
Bukod dito ay nagkaroon rin ng putukan sa paÂgitan ng security forÂces sa Brgy. Sta. Barbara kung saan nagsisipagkubli ang MNLF sa nasabing lugar kasama ang nasa 180 pang hostages.
Tinatangka ng MNLF na tumakas sa kordon ng militar ng mangyari ang bakbakan.
Napaulat na pinapuÂtukan din ng MNLF rebels ang isang C130 plane ng Philippine Air Force baÂgaman hindi naman ito tinamaan.
Samantala, nanindiÂgan si AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala na hindi aatras ang security forces upang mapangaÂlagaan ang seguridad ng mamamayan ng lungsod at maÂging ang mga paÂngunahing instalasyon ng gobyerno rito.
Una rito, pinaatras ng mga commander ng MNLF na may hawak na mga bihag sa mga apekÂtadong lugar ang tropang gobyerno at nakaposisÂyong mga tangke ng mga ito dahil gutom at nauuhaw na umano ang kanilang mga hostage.
Nilinaw rin ni Zagala na walang idinedeklarang ceasefire ang security forÂces taliwas sa mga espekulasyon.
Nanawagan rin si Salazar sa mga groceries at iba pang tindahan ng pagkain sa palengke na magbukas para makabili ng supply ng mga pagkain ang mga nagugutom na residente.
Suspendido pa rin ang pasok sa mga eskuwelahan, tanggapan ng gobyerno at maging ang mga biyahe ng eroplano sa Zamboanga City International Airport.
- Latest