^

Bansa

Jobless Pinoy: 3M

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 3 mil­yon ang mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.

Ito ay batay sa isinagawang Labor Force Survey ng National Statistics Office (NSO) nitong Hulyo 2013.

Ayon kay Socio-economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ang pagtaas ng bilang ng mga jobless sa bansa ay bunga ng kakulangan sa kasanayan at karanasan ng mga Pilipino para sa mga trabaho sa iba’t ibang kumpanya sa bansa laluna ng mga kabataan.

Sa naturang bilang ng mga walang trabaho ay nagpapakita ito ng pagtaas ng may 7.3 percent na unemployment rate mula sa 7.0 percent ng July 2012 o 2.84 milyon jobless sa bansa.

Bunga nito, sinabi ni Balisacan na gumagawa ngayon ng paraan ang pamahalaan na palakasin ang programang pang-edukasyon at pagnenegosyo sa bansa upang mabawasan ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa ngayon.

 

AYON

BALISACAN

BUNGA

HULYO

LABOR FORCE SURVEY

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PILIPINO

PLANNING SECRETARY ARSENIO BALISACAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with