Kabuhayan sa Basket ni Nanay ilulunsad
MANILA, Philippines - Ang mga piling mag-aaral ng Master of Development Communication ng University of the Philippines Open University (UPOU) ay maglulunsad ng kanilang kampanyang pang-kabuhayan na may titulong Kabuhayan sa Basket ni Nanay (KBN) sa ika-14 ng Setyembre sa ikalawa ng hapon sa Buntong Palay, San Mateo, Rizal. Ang Marikina United Methodist Church ay katuwang sa nasabing proyekto.
Ang kampanya ay naglalayong paigtingin ang kakayahan ng mga kababaihan ng Buntong Palay. Ninanais din nito na magaÂmit nila ang kanilang kakayahan sa paghahabi ng mga basket na yari sa dyaryo. Hinihimok nito ang mga manufacturers, exporters, entrepreneurs at non-government groups na tangkilikin ang mga produkto ng kababaihan ng Buntong Palay.
Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang Kabuhayan sa Basket ni Nanay Facebook page.
- Latest