^

Bansa

15 Pinoy seamen na dinukot ng mga pirata nasagip

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasagip ng puwersa ng Nigerian Navy ang 15 tripulanteng Pilipino na kabilang sa sakay ng na-hijack na Greek-owned tanker sa Nigeria noong nakaraang buwan.

Ayon sa report na tinanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa manning agency ng barkong M/T Norte na kinalululanan ng mga Pinoy seamen, bumiyahe na kahapon ang mga Pinoy crews patungong Lagos matapos na masagip at dinala sa Nigerian Naval Base sa Warri, Delta State para sa debriefing.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Raul Hernandez na pawang nasa maayos na kalagayan ang 15 Pilipino at hindi sila sinaktan ng mga pirata. Sila ay nailigtas matapos na i-hijack ng mga armadong pirata ang kanilang sinasakyang barko noong Agosto 16.

AGOSTO

AYON

DELTA STATE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

FOREIGN AFFAIRS SPOKESMAN RAUL HERNANDEZ

LAGOS

NIGERIAN NAVAL BASE

NIGERIAN NAVY

PILIPINO

PINOY

T NORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with