P10 umento idinepensa ng Malacañang
MANILA, Philippines - Katulad ng inaasahan, ipinagtanggol kahapon ng Malacañang ang bagong umento sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region o Metro Manila na ipatutupad simula sa Enero 2014.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, binalanse lamang ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board sa NCR ang interes ng mga employers at mga manggagawa sa pagdedesisyon ng bagong dagdag sa sahod.
May mga labor groups na umalma sa bagong wage increase dahil aabot lamang sa P10 ang itataas sa sahod gayong P85 kada araw ang hinihingi nila.
Ayon pa kay Valte hindi lamang ang kagustuhan ng mga manggagawa na makapag-uwi ng mas malaking sahod ang isinasaalang-alang ng wage board kundi ang kakayanan din ng mga employers.
“Alam mo ‘yung ano kasi, ang binabalanse nung mga Wage Board natin, hindi lang siyempre ‘yung kagustuhan ng ating mga manggagawa na makapag-uwi ng mas malaki at ng mas marami, ngunit ‘yung kakayahan din siÂyempre ng ating mga employer na magbayad,†sabi ni Valte.
Sinabi pa ni Valte na, kung pagbibigyan ang halagang gusto ng mga labor groups, baka naman magsara na ang mga opisina kung hindi nila kakayanin ang mas mataas na sahod ng kanilang mga empleyado.
“Kung magbigay naÂman ho ng talagang napakataas na umento ay baka ‘yung mga employer naman ho ‘yung magsara at hindi ho kayanin ‘yung ibabayad sa ating mga manggagawa,†dagdag niya.
Tiniyak din ni Valte na nagkaroon ng konsultasyon kaugnay sa bagong wage hike base na rin sa kautusan ni Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz.
“Ang sa aking pagkakaalam (dumaan sa konsultasyon), sinabi ng DOLE … nagbigay ho ng direktiba si Secretary (Rosalinda) Baldoz sa mga Wage Boards noong Mayo pa ho yata nasimulan na ‘yung pagbubukas ng mga konsultasyon sa mga stakeholders para ho doon sa mga petisyon na magtaas po ng sahod,†pahayag pa ni Valte.
Dahil sa bagong umento, aabot na sa P466 ang minimum na sahod sa kalakhang Maynila.
Samantala, itinuturing ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na isang masakit na biro umano para sa mga manggagawang Pilipino ang P10 dagdag sa suweldo na ipinahayag ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board ng NCR.
Sinabi ni TUCP Spokesman Alan Tanjusay na ang TUCP, ang nasabing dagdag sa sahod ay nakaka-offend para sa mga kawawang obrero na matagal na umasam ng pagtaas ng kanilang sweldo.
Pinuna pa ni Tanjusay na hindi man lang makakabili ng kahit kalahating kilo ng bigas o makasapat man lang sa kanilang pamasahe sa pagpasok sa trabaho ang sampung pisong dagdag sa suweldo para sa mga manggagawa sa NCR.
Kaugnay nito, sinabi ni Tanjusay na iaapela nila ang desisyon na ito ng NCR wage board.
Ang kailangan aniya ng mga manggagawa ay umentong tunay nilang mararamdaman.
Ang TUCP ay una ng umapila ng P85 dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earner.
- Latest