Phl envoy sa China pinauwi dahil sa tensiyon sa WPS
MANILA, Philippines - Sa gitna ng planong paghahain muli ng proÂtesta ng Pilipinas laban sa China, pinauwi ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatalagang ambassador ng Pilipinas sa Beijing.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, ang pagpapauwi kay Ambassador Erlinda Basilio ay para sa konsultasyon kasunod ng pagtaas ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China nang madiskubre ng Department of National Defense ang pagtataÂnim ng China ng may 75 concrete blocks habang naispatan din ang tatlong Chinese vessels sa pinag-aagawang teritoryo sa Panatag o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea na inaangkin ng China.
Sinabi ni Hernandez na sinabihan si Basilio na umuwi sa Pilipinas para sa konsultasyon kasunod ng nasabing panibagong paglabag ng China at umano’y babalik din ang nasabing opisyal sa Beijing matapos ang ilang araw.
Sa kabila nito, mariing itinanggi ng Chinese Foreign Ministry nitong Miyerkules ang alegasyon ng Pilipinas na naglagay sila ng mga konkretong bloke at naghahanda na magtayo ng istraktura sa Panatag Shoal at iginiit na sa kanila ang nasabing teritoryo.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Hong Lei, ang Panatag shoal na pinaÂngalanan nilang Huangyan islands ay sakop ng teritoryo ng China kaya ang lahat ng mga Chinese ships na matatagpuan sa lugar ay malayang makapagsasagawa ng routine patrols upang matiyak ang seguridad ng kanilang soberenya at kaayusan sa lugar.
Ang Panatag Shoal sa Bajo de Masinloc ay mataÂtagpuang may 200 kilometro ang layo sa Luzon at nasa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Inihahanda na ng DÂFA ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China dahil sa ginawang block-laying sa Panatag Shoal.
- Latest