^

Bansa

The Fort sa Taguig pa rin - DILG

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Taguig pa rin ang may hurisdiksyon sa Fort Bonifacio kasama rito ang Bonifacio Global City (BGC) at hindi Makati.

Ito ang paglilinaw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas sa harap ng tensyong namamagitan sa dalawang lungsod.

Sinabi ni Roxas na ang ibig sabihin ng “status quo” ay ang Taguig pa rin ang siyang may hurisdiksyon sa BGC at kasama rito ang pagbibigay ng seguridad sa lugar ng Taguig Police.

Kasabay nito ay ipinag-utos din ni  Roxas sa mga pulis na dumistansiya sa usaping ligal na namamagitan sa Taguig at Makati.

“Sa ngayon ang kasalukuyang guidance ay status quo, hintayin natin ang korte, sundin natin kung ano ang utos ng korte. Bagamat yung utos ng korte na nilabas ng CA ay iba-iba din ang interpretasyon ng Pateros, ng Taguig at ng Makati. Ang punto dito ang pulis hindi dapat na manghimasok sa issue na kung sino o kaninong teritoryo ito. Hintayin natin ang malinaw na utos ng korte,” saad ni Roxas.

Iginiit ni Roxas na sa guidance na ipinalabas ng DILG sa mga pulis ay malinaw ang kautusan na ang dapat na maging papel ng mga ito ay ang panatilihin ang “peace and order” sa kanilang mga nasasakupan.

Bago ipinalabas ni Sec. Roxas ang paglilinaw ng DILG na ang Taguig ang may hurisdiksyon sa pinagtatalunang mga lugar ay nagpalabas na ng kautusan ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na pumapabor sa Taguig.

Ikinadismaya ni Makati Mayor Junjun Binay ang posisyong ito ng NCRPO kaya’t nagbanta itong sasampahan nila ng contempt of court si NCRPO Director Marcelo Garbo.

BONIFACIO GLOBAL CITY

DIRECTOR MARCELO GARBO

FORT BONIFACIO

MAKATI

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

ROXAS

TAGUIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with