Kaso vs Napoles maaantala
MANILA, Philippines - Maaantala ang pagsasampa ng kaso laban kay pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, kaÂilangan na detalyado at organisado ang kaso kaya binubusisi nila ang lahat ng supporting documentary evidences.
Bagama’t tukoy na nila ang mga dapat kasuhan ay patuloy na kumakalap ng ebidensya ang National Bureau of Investigation (NBI) para mas masuportahan ang testimonya ng mga testigo.
Naniniwala ang DOJ na may matitibay na ebiÂdensya laban kay Napoles pero wala anyang makapagsasabi kung ano ang balak ni Napoles sa isasampa nilang kaso. Ihahain nila ang kaso sa Ombudsman na siya namang magtutukoy kung sapat o hindi ang basehan sa kaso.
Sakaling makulangan ito, maaaring ang Ombudsman na mismo ang magdagdag ng ebidensya dahil nagsasagawa rin ito ng imbestigasyon sa isyu ng pork barrel scam. Sakali namang sapat na ang ihahaing kaso ng DOJ, sisimulan ang preliminary investigation.
Bukod kay Napoles ay makakasama sa unang batch ng kakasuhan ang ilang mambabatas na hindi na niya pinangalanan.
- Latest
- Trending