MANILA, Philippines - Ikinukunsidera ng liderato ng Kamara ang mungkahi ni Commission on Elections Chairman Sixto Brillantes na suspendihin ang Sangguniang Kabataan elections ngayong Oktubre 8.
Ayon kay House MaÂjority leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales II, kukunsultahin muna nila ang mga opisyal ng Kamara kaugnay sa naturang panukala upang masiguro na kasado na ang lahat ng kinakailangang reporma bago idaos ang SK election.
Sa ginanap na pulong sa Kamara ay imunungkahi umano ni Brillantes sa mga lider ng Kamara ang “indefinite suspension†sa SK election upang mapatunayang kaya na ng pamahalaan na patakbuhin ang barangay para unti-unti nang mabuwag ang SK at kalaunan ay isama na lang sa barangay council ang mga SK chairman.
Bagamat hindi itiÂnanggi o kinumpirma ang nasabing panukala ni Brillantes, sinabi naman ni Gonzales na magagawa pang kumilos ng Kamara upang ipagpaliban ang SK election lalo na kung sesertipikan itong urgent ni Pangulong Aquino.