LTO chief guilty sa ‘casino’ - CSC
MANILA, Philippines - Makaraang umamin si LTO Chief Virginia Torres na siya nga ang nakuhanan sa video na naglalaro ng slot machines kamakailan, binigyang diin ni Civil Service Commission Chairman Francisco Duque III na lumabag ito sa batas na nagbabawal sa sinumang tauhan at opisyal ng pamahalaan na pumasok at maglaro sa mga gambling casino.
“Lumabag siya sa batas alinsunod sa Memorandum Circular No. 8 na naipalabas ng Pangulo ng bansa noong 2001,†pahayag ni Duque.
Pero sinabi ni Duque na dahil si Torres ay isang presidential appointee, walang kapangyarihan ang CSC na disiplinahin ito kundi ang Pangulong Aquino mismo.
Sinabi naman ni DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya na binubusising mabuti ang kaso ng pag-amin ni Torres na siya nga ang babaeng naging viral na sa youtube na nagpapakita na naglalaro sa isang casino.
Sinabi rin ni Abaya na hindi na niya pinagbakasyon si Torres habang iniimbestigahan ang kontrobersiyal na issue dahil alam naman ng huli na nagpa-file ng vacation leave ang sinumang opisyal ng pamahalaan habang ito ay iniimbestigahan.
- Latest