Panawagan sa NBI: Rice overpricing siyasatin
MANILA, Philippines - Dapat nang atasan ng Department of Justice (DOJ) at Ombudsman ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang umano’y anomalya sa importasyon ng bigas sa gitna ng ulat ng overpricing at katiwalian.
Sa kanyang liham kay Justice Secretary Leila De Lima at Ombudsman Conchita Carpio Morales, hiniling ng aktibistang abogado na si Argee Guevarra sa Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council (IAAGCC) na atasan ang NBI na bumuo ng isang special task force upang suriin at imbestigahan ang mga transaksyon sa pag-aangkat ng bigas sa ilalim ng National Food Authority (NFA).
Giit ni Guevarra kina De Lima at Carpio-Morales na pag-ukulan ng pansin ang mga alegasyon ng katiwalian sa Department of Agriculture (DA) at NFA katulad ng pagtutok sa kaso ng Napoles pork scam. Aniya, ang katiwaliang ito ay katumbas ng ‘white collar economic sabotage and profiteeringâ€.
Sabi ni Guevarra, “ang kadu-dudang importasyon ng NFA ng 187,000 metriko tonelada ng bigas, kabilang pa ang karagdagang 18,700 MT, na ipinailalim ng nasabing ahensya sa kasunduang government-to-government nitong Abril ay overpriced nang hanggang P450 milyon para lamang sa iisang transaksyon.â€
Una na nitong isiniwalat na ang mga inangkat ng DA at NFA mula sa Vietnam nitong 2013 na 205,700 MT ng bigas ay overpriced umano ng P457 milyon.
Ang exposé ni Guevarra ay sinusugan ng pinuno ng Ang Gawad Pinoy Consumers Cooperative na si Atty. Tonike Padilla. Ayon kay Padilla, maaaring lumobo ng hanggang P2 bilyon ang overpricing kung ipagpapatuloy ang napipintong pag-aangkat ng mga nasabing ahensya ng karagdagang 700,000 ng bigas na parating sa Nobyembre.
Maaalala na sa unang SONA ay binatikos ng PaÂngulong Noynoy Aquino ang administrasyon ni dating paÂngulong Gloria Arroyo dahil sa pag-aangkat nito ng bigas na umano’y overpriced ng USD60 kada metriko tonelada.
Sa tala ng Oryza Global Rice price, makikitang ang importasyon ng administrasyong Aquino nitong Abril ay overpriced din ng hindi kukulangin sa USD50, dagdag pa ang umano’y hindi idineklarang pag-aangkat nito ng ‘karagdagang’ 18,700 MT ng bigas.
Hiningi rin ni Guevarra sa nasabing anti-graft body na bigyan siya ng kopya ng anumang resulta ng imbestigasyong isinagawa ng NBI patungkol sa mga katulad na transaksyon noong panahon ng dating Pangulong Arroyo.
“Nangangamba ako na ang mapagmanipulang pamamaraan sa importasyon ng bigas noong panahong Arroyo ay nakatawid na at umuusad na ngayon sa ‘daang matuwid’ ni Pangulong Aquino. Ito ay dahil sa paggiit nila sa karagdagang ‘palusot’ o ‘insertion’ sa importasyon ng 18,700 metriko tonelada ng bigas na kumakatawan sa 10 porsyento ng 187,000 MT ng importasyon. Madaling isipin na isa na naman itong panibagong latag ng ‘tongpats’ para sa naturang transaksyon,†dagdag ni Guevarra.
Hiniling rin ng abogado sa IAAGCC na tulungang siyang bigyang-daan ang “pagbulalas ng impormasyon ng mga indibidwal na may direktang kaugnayan sa industriya ng bigas tungkol sa anomalyang ito. Pinag-iisipan at tinitimbang nila ngayon kung papasailalim sila sa Witness Protection Program ng Department of Justice.â€
- Latest