^

Bansa

P2-B lugi ng gobyerno sa rice import

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaaray na ang taumbayan sa presyo ng bigas at dagdag pahirap pa ang tinatayang P2 bilyon na pinangangambahang mawala sa kaban ng pamahalaan dahil sa kuwestiyunableng rice import ng Department of Agriculture (DA) at National Food Authority (NFA) ngayong taon.

Ayon sa abogadong si Tonike Padilla ng Ang Gawad Pinoy Consumers Cooperative na isa sa pinakamalaking grupo ng mamimili sa bansa na nagsabing isang malaking raket ang Rice Self-Sufficiency Program ng DA.

“Maliwanag na binigyan ng maling impormasyon ang Pangulo (Benigno Aquino III). Hindi 187,000 metriko tonelada (MT), gaya ng sinabi niya sa SoNA (State of the Nation Address) nitong Hulyo ang inangkat natin mula sa ibang bansa. Ang totoo nito’y P205,700 MT na ang naangkat natin Abril pa lamang ngayong taon. Kaiba sa programang ipinatupad ng isang taon, tanging gobyerno lamang ang nag-angkat nito at halos doble ito 120,000 Metriko Toneladang bigas na inangkat ng bansa nang nakaraang taon,” pahayag ni Padilla.

Ayon sa abogado, sistematikong isinasagawa ang pangungulimbat sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga transaksyong government-to-government (G2G) kung saan ‘overpriced’ umano ang inangkat na bigas mula sa Vietnam.

“Sa importasyon ng NFA nitong Abril lamang, ang presyo ng bigas sa Vietnam nang mga panahon iyon ay USD 360 hanggang USD 365 kada Metriko Tonelada. Ngunit ang inangkat nating bigas noong Abril ay binayaran ng pamahalaan, gamit ang pondo ng bayan, sa presyong USDD 459.75 kada MT. Sa iisang transaksyong ito noong Abril, USD10,439,275 o P457 milyon ang “kita” ng mga ito – higit pa sa PDAF (Priority Development Assistance Fund) ng anim na kongresista,” ayon sa kanya.

Ang taunang PDAF ng kada kongresista ay nagkakahalaga lamang ng P70 milyon.

Ayon kay Padilla, nakatakda pang mag-angkat ng 700,000 MT ang NFA sa Nobyembre.

Kung itutuloy ng NFA ang plano nitong pag-angkat sa Nobyembre bilang tugon sa napipintong kakulangan sa bigas, na itinatanggi ng DA, ang halagang P457 milyon ay lolobo sa P2 bilyong piso ng ganun na lamang.

“Alalahanin nating ang perang pambayad sa mga importasyong ito ay nagmumula sa kabang-yaman ng bayan,” dagdag ni Padilla.

Ayon sa Oryza Global Rice price, para sa nabanggit na panahon, ang biniling bigas nga ng NFA ay ‘overpriced’ ng hindi bababa sa USD 50 o katumbas ng P2,150 kada Metriko Tonelada.

“Ang P457 milyon ay sapat na upang mapatubigan ang 3,778 hektar­yang lupain na halos doble ang lawak sa Lungsod ng Makati, kung saan maaari sanang umani ng P705.2 milyong halaga ng bigas sa presyong P23,333.57 kada Metriko Tonelada. Kung itutuloy nila ang kanilang plano sa Nobyembre, tataas ito sa 450 porsyento at aabot ito sa halagang hindi kukulangin sa P2 bilyon,” pahayag ni Padilla.

Mismong ang National Economic Development Authority (NEDA) na diumano ang nagsabing hindi dapat minomonopolya ng DA at NFA ang importasyon ng bigas sa bansa dahil hindi ito nakasaad sa mandato ng kanilang mga ahensya.

Sa kabila ng mga opisyal na pahayag na sapat ang supply ng bigas sa bansa, kinwestyon naman ng maraming grupo gaya ng Gabriela partylist ang hindi maawat na pagtaas ng presyo nito.

“Hindi na lalala pa ang presyo ng bigas dahil pataas na ang stock ng bansa sa pagsisimula nang anihan ng palay sa Visayas at Mindanao,” depensa naman ni NFA Administrator Orlan Calayag.

Tinatayang aabot sa 18.45 milyon MT ang produksyon ng bansa sa taong ito, mababa sa target na 20.4 milyon MT ng National Rice Program.

 

ABRIL

ADMINISTRATOR ORLAN CALAYAG

ANG GAWAD PINOY CONSUMERS COOPERATIVE

AYON

BIGAS

METRIKO TONELADA

NOBYEMBRE

PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with