PNoy may bagong PSG chief
MANILA, Philippines - May bago nang Presidential Security Group (PSG) chief si Pangulong Aquino matapos magretiro kahapon si Gen. Ramon Dizon.
Ipinalitf kay Dizon si Navy Capt. Raul Ubaldo na senior military aide ni PNoy sa kasalukuyan. Si Capt. Ubando ay miyembro ng PMA Class of 1985.
Naabot na ni Dizon ang mandatory retirement age na 56 sa military at kahapon ay isinagawa ang turn-over ceremony sa PSG compound sa Malacañang Park na pinangunahan mismo ni PNoy.
Miyembro ng PMA Class of 1983 si Dizon na nagsilbi sa 3 pangulo ng bansa mula kay Pangulong Cory Aquino, Fidel Ramos at PNoy.
- Latest