^

Bansa

17 pang whistleblowers vs ‘pork’ lumantad

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadagdagan pa ng 17 ang bilang ng naunang 10 testigo sa P10 bilyong pork barrel scam.

Ito ang nabatid mula kay Levito Baligod, abogado ng pangunahing whistleblower na si Benhur Luy, kung saan sinabi nito na ang 17 bagong testigo ay lumapit sa Department of Justice (DOJ). Karamihan sa mga ito’y pawang mga empleyado noon ni Napoles.

Sa sinumpaang salaysay ng ilang bagong whistleblowers, may kumausap sa kanilang abogado ni Napoles na umano’y nagngangalang Atty. Alex Tan at kumumbinsi sa kanilang idiin si Luy.

“Tinuturuan sila. Gu­mawa sila ng sworn statement na si Ginang Napoles ang parang nagdikta kung ano ‘yung sa­sabihin nila,” ani Baligod.

Nabanggit din ng mga whistleblower na may isang abogado si Napoles na nagdadala ng pera sa ilang empleyado ng BIR para ayusin ang income tax nito at maibaba ang babayarang buwis.

Sinabi rin ni Baligod na nabanggit ng mga bagong testigo si Justice Gregory Ong na konektado umano kay Napoles.

Si Ong daw ang may hawak umano ng kaso ni Napoles kaugnay ng maanomalyang Kevlar helmets ng Philippine Marines. Depektibo umano ang mga idineliver na helmet ni Napoles pero ito ay napawalang-sala.

ALEX TAN

BALIGOD

BENHUR LUY

DEPARTMENT OF JUSTICE

GINANG NAPOLES

JUSTICE GREGORY ONG

LEVITO BALIGOD

NAPOLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with