2 pang senador dawit
MANILA, Philippines - May dalawa pang senador ang nagamit din ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel fund sa mga ghost projects ng mga pekeng non-government organizations (NGOs).
Ito ang lumabas sa pagdinig kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee tungkol sa P10 bilyong pork barrel scam kung saan humarap si Commission on Audit Chairperson Grace Pulido-Tan.
Mismong si Tan ang nagsabi sa komite na may dalawa pang senador bukod sa mga unang nabanggit ang naglagay din ng pondo sa pekeng NGOs.
Pero tumanggi muna si Tan na pangalanan ang dalawa at sa susunod na hearing na lamang ibubunyag kung sino ang mga ito.
Lumabas din sa pagdinig na mahigit sa P1 bilyong pork barrel funds ng apat na senador ang nailagay sa pitong NGOs na may kaugnayan kay Janet Lim-Napoles mula 2007 hanggang 2009.
Ang mga nasabing senador ay sina Gregorio HonasanÂ, P14.55 milyon; Jinggoy Estrada, P262.575 milyon, Juan Ponce Enrile P332.7 milyon at Ramon Bong Revilla Jr., P483.49 milyon.
- Latest