^

Bansa

Napoles ‘di pwedeng state witness – Miriam

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi maaring gawing­ state witness si Janet Na­poles, ang panguna­hing suspek sa P10 bil­yon pork barrel funds scam kung saan nalustay ang pondo ng bayan sa mga ghost projects ng mga pekeng non-govern­ment organizations (NGOs).

Ayon kay Sen. Miriam­ Defensor-Santiago, may limang requirements para maging state witness ang isang akusado kung saan hindi ito dapat ang “most guilty” sa ki­nakaharap na paglilitis.

Sinabi ni Santiago na mahirap mapatunayan na hindi “most guilty” si Napoles na sinasabing na­ging daan para mapunta sa mga pekeng NGOs ang pork barrel funds ng ilang senador at congressmen.

Iginiit din ni Santiago na kung magdedesis­yon ang Inter-Agency Anti-Graft Coordinating Council na sampahan ng plunder si Napoles at mga tauhan nito, dapat ay sampahan din ng kasong plunder ang limang senador at 23 congressmen na pinangalanan sa media base sa mga affidavits ng mga emple­ yado ni Napoles.

Inisa-isa ni Santiago ang limang requirements para maging state witness ang isang akusado base sa umiiral na Rules of Court.

Kabilang dito ang “ab­ solute necessity” para sa testimonya ng akusado; walang ibang direct evi­dence na maaring magamit ang prosekus­ yon kaugnay sa nang­ yaring krimen maliban sa testimonya ng akusado; ang testimonya ng akusado ay maaring masuportahan ng material points; hindi ang akusado ang “most guilty”;  at hindi sumasailalim ang akusado sa imbestigasyon kaugnay sa “moral turpitude”

Ipinunto rin ni Santiago na sa kaso ni Napoles, ito ang lumalabas na mastermind kaya siya ang maituturing na “most guilty”.

AKUSADO

AYON

DEFENSOR-SANTIAGO

IGINIIT

INTER-AGENCY ANTI-GRAFT COORDINATING COUNCIL

JANET NA

NAPOLES

RULES OF COURT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with