^

Bansa

Whistle blowers ng PDAF pahaharapin sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ni Senator Francis “Chiz” Escudero na imbitahan din ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga whistle blowers ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na iimbestigahan na ngayon ng komite.

Balak ni Escudero na hilingin sa komite na mag-imbita pa ng mas maraming testigo upang magbigay linaw sa isyu at alegasyon ng hindi tamang paggamit ng pork barrel funds.

Inaasahang mga opisyal pa lamang ng Commission on Audit (COA) ang haharap ngayon sa imbestigasyon ng komite.

Sinabi ni Escudero na tanging sa telebisyon o media lamang napapanood ang sinasabi ng mga whistle blo­wers at mas makakabuting paharapin rin sila sa pagdinig.

Kabilang sa mga gustong ipatawag ang mga kinatawan ng National Agribusiness Corp (NABCOR), Technology Resource Center (TRC), National Livelihood Development Corp. (NLDC), Zamboanga del Norte Rubber Estate Corp. (ZREC) at Philippine Forest Corp. (PhilForest).

Kabilang ang mga nasabing ahensiya sa sinasabing nabigyan ng PDAF na katulad ng mga naibigay sa mga non-government organizations.

Naniniwala si Escudero na mas magiging bukas sa publiko ang isyu ng pork barrel sa gagawing im­bestigasyon ng Senado lalo pa’t panunumpaan ng lahat ng testigo ang kanilang magiging testimonya.

KABILANG

NATIONAL AGRIBUSINESS CORP

NATIONAL LIVELIHOOD DEVELOPMENT CORP

NORTE RUBBER ESTATE CORP

PHILIPPINE FOREST CORP

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

SENATOR FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with