Cordillera, Apayao inalerto kay ‘Nando’
MANILA, Philippines - Isinailalim na kahapon sa red alert ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat ng disaster response units nito sa Cordillera at Apayao kaugnay ng posibleng epekto ng bagyong Nando.
Minomonitor na rin ng Cordillera Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang pagkilos ng bagyo upang mabigyan ng impormasÂyon ang publiko.
Ayon sa NDRRMC, nasa heightened alert na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa posibleng epekto ng bagyong Nando kung saan napaulat na nasa 46 katao na ang kasalukuyang stranded sa Bicol Region bunga ng masamang panahon.
Samantalang nakaÂhanda na rin ang P212.8 M emergency relief resources ng Department of Social Welfare and Development.
Nakataas ang Public Storm Signal No.2 sa Batanes Group of Islands, Signal Number 1 naman sa Cagayan, Calayaan, Babuyan Groups of Islands, Apayao at Isabela.
Pinapayuhan naman ang mga mangingisda na iwasan muna ang pagpalaot upang hindi ang mga ito mapahamak. Inalerto rin ang mga residente na naninirahan sa mga tinaguriang flood at landslide prone areas.
- Latest