P633M pinsala ni Maring/habagat
MANILA, Philippines - Mahigit P633 milyon na ang iniwang pinsala habang tumaas na rin sa 21 katao ang death toll na iniwan ng pinagsamang delubyo ng habagat at bagyong Maring sa mga apektadong lugar sa Luzon.
Sa ulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario, nakapagtala ang ahensya ng P633,082,850.88 milyong pinsala kabilang dito ang P138,139,781.05 sa imprastraktura at P494,943,069.83 sa agrikultura.
Sa kasalukuyan ay nasa relief operations ang pokus ng trabaho ng mga disaster officials sa mga biktimang naapektuhan ng kalamidad.
Kabilang naman sa mga nadagdag sa talaan ng mga nasawi sa pagkalunod sina Ed Paulo, 12 ng Floridablanca, Pampanga at Leonel Montilla, 21, ng Bacoor, Cavite.
Nasa 248 kabahayan ang nawasak habang nasa 500 lugar sa 51 bayan at lungsod sa Ilocos, Central at Southern Luzon at Metro Manila ang baha pa rin. Habang nasa 58 namang highway at isang tulay ang hindi madaanan ng mga behikulo.
- Latest