Apology ng Pinas sa ‘Manila hostage’ hiling
MANILA, Philippines - Kasabay ng paggunita sa ika-3 taong anibersaryo ng Manila hostage crisis na ikinasawi ng 8 Chinese nationals at ang hostage taker na police official, naghain ng pormal na kaso ang pamilya ng mga napaslang laban sa gobÂyerno ng Pilipinas at humihiling ng apology o paghingi ng paumanhin at kompensasyon.
Sa report, inihain nitong Huwebes sa local court sa Hong Kong matapos na umano’y mabigo ang Philippine government na ibigay ang kanilang demand kaugnay sa madugong hostage drama sa Quirino Grandstand noong 2010.
Hinihingi ng mga pamilya ng mga nasawi at survivors na mabigyan sila ng resonableng kompensasyon o kabayaran dahil sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay at maging sa matinding pinsalang idinulot sa mga nakaligtas.
Nabatid na masakit umano sa mga pamilya ng mga biktima ang kawalan ng aksyon ng pamahalaan sa kanilang mga demand.
Si dating Pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph Estrada ay huÂmingi ng paumanhin nitong linggo sa mga kaanak ng mga nasawi sa hostage at sa mga nakaligtas subalit tinanggihan ito.
- Latest