^

Bansa

Napatay na NPA sa Bulacan miyembro ng ‘Morong 43’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng mga opisyal ng militar na miyembro ng Morong 43 o mga rebeldeng New People’s Army na nagpapanggap umanong health workers ang isa sa tatlong napatay sa bakbakan sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan kamakailan.

Ayon kay Col. Henry Sabarre, commander ng Army’s 703rd Infantry Brigade (IB), kinuha ng mga magulang ng nasawing si Ramon dela Cruz alyas Ka Mandy ang bangkay nito.

Sinabi ng opisyal na ang mga magulang ni Ka Mandy na sina Ramon dela Cruz Sr. at ina nitong si Rosita ay taga-Namayan, Malolos, Bulacan. Ang dalawa pang nasawing rebelde ay natukoy sa alyas na Ka Eldy at Ka Robin.

Inihayag naman ni Major  Gen. Heriberto Iriberri, Commander ng Army’s 7th Infantry Division na may mga informer silang nagtuturo na si Ka Mandy ang isa sa napatay sa engkuwentro pero isinasailalim pa nila ito sa masusing beripikasyon.

Bukod dito, ang mga magulang nito na siyang kumuha sa bangkay ni Ka Mandy ang siya ring madalas na dumalaw sa selda nito sa Army’s 2nd Infantry Divi-        sion (ID) sa panahong nakakulong si Ka Mandy.

Noong Agosto 9 ay nakasagupa ng militar ang grupo ng mga nangongotong na rebelde sa Brgy. Ka­bayunan, Doña Remedios Trinidad ng lalawigang ito.

Ang Morong 43 ay nasakote ng tropa ng militar noong Pebrero 6, 2010 sa operasyon sa Morong, Rizal. Gayunman, lima sa mga ito ang umamin sa militar na lehitimong miyembro ng NPA at tumestigo laban sa kanilang mga kasamahan matapos na sumuko habang nasa kustodya ng mga awtoridad.

Nakasamsam rito ng mga eksplosibo, bala at mga armas ang tropa ng Army’s 80th Infantry Battalion (IB).

Matapos palayain ang Morong 43, ilan sa mga miyembro nito ay kinumpirma ng militar na namundok sa Bondoc Peninsula sa Quezon at Batangas.

ANG MORONG

BONDOC PENINSULA

BULACAN

CRUZ SR.

HENRY SABARRE

KA MANDY

REMEDIOS TRINIDAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with