^

Bansa

Target ng Albay: Top 10 sa NAT sa 2016

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos tumalon sa pang-19 na pwesto noong 2011, mula sa pang-177 sa 183 schools division noong 2007, target ng Albay ngayon ang lumanding sa Top 10 ng National Achievement Test (NAT) ng Department of Education (DepEd) sa 2016, ang katapusan ng ikatlong termino ni Albay Gov. Joey Salceda.

Ayon kay Salceda, ito ay bahagi ng kanilang pinagbubuting education program na pinaglaanan nila ng 32% ng buong badyet ng lalawigan. Kasama sa programa ang mga insentibo para sa mahuhusay na performance ng mga guro sa lahat ng antas.

Pinatataas ng Albay ang antas ng edukasyon sa lalawigan sa pama­magitan ng Albay Higher Education Contribution Scheme (AHECS) at Education Quality for Albayanos (EQUAL), ang pinakamalaking scholarship program ng alinmang local government sa bansa na may 34,000 scholars.

Target din ng Albay na lumobo ang bilang ng college graduates nito sa 188,000 sa 2016 at “magkaroon ng kahit isang college graduate ang bawat pamilya.”

 

vuukle comment

ALBAY

ALBAY GOV

ALBAY HIGHER EDUCATION CONTRIBUTION SCHEME

ALBAYANOS

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION QUALITY

JOEY SALCEDA

NATIONAL ACHIEVEMENT TEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with