Arenas nangako ng tulong
MANILA, Philippines - Kahit wala na sa posisyon, nangako si dating Pangasinan 3rd District Rep. Ma. Rachel Arenas na tutulong sa mga nasalanta ng pagbaha sa abot ng kanyang makakaya.
“Sa panahong ito, dapat lahat ng Pilipino ay magkapit-bisig at magtulungan. Hindi na importante pa kung tagasaan tayo, ang mahalaga ay makapagpaabot tayo ng tulong sa mga nangangailangan,†wika ni Arenas.
Ayon kay Arenas, importanteng mabigyan ng agarang tulong ang mga nasalanta ng baha, lalo na ang pagkain, damit, gamot at pansamantalang masisilungan.
Plano rin ng dating mambabatas na magpadala ng medical mission sa mga lugar na lubhang nasalanta ng bagyo upang matugunan ang pangaÂngailangang medikal ng mga taga-roon.
Sa kanyang panahon bilang mambabatas, nakilala si Arenas sa kanyang pagtulong, hindi lang sa mga biktima ng kalamidad, kundi pati na rin sa mga kabataan.
Pumatok din sa kanyang mga ka-distrito ang mga programa ni Arenas na may kinalaman sa kabuhayan, kalusugan at sa edukasyon, sa ilalim ng kanyang Education, Livelihood Program Foundation of Pangasinan, Inc. o HELP, na naging plataporma niya nang kumandidato noong 2007.
- Latest