^

Bansa

‘Million People March’ sa Aug. 26

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma kahapon ng pamunuan ng  National Parks and Development Committee (NPDC) na hanggang kahapon ng hapon (Agosto 21)  ay wala pang lumulutang na personalidad o sinumang  indibidwal na kabilang sa nakatakdang “Million People March” para mag-abiso o makipag-ugnayan sa idaraos na pagkilos sa Agosto 26, alas 9:00 ng umaga, sa Quirino Grandstand laban sa ‘pork barrel misuse’ at abolition nito na kumakalat sa social networking site.

Sa panayam kay Kenneth Montegrande, tagapagsalita ng NPDC, nag-iwan pa sila ng tauhan sa kanilang tanggapan  para may makausap sakaling may pupuntang tao na may kinalaman sa nasa­bing kilos-protesta. Gayundin, sila pa umano ang gumagawa ng paraan para makontak ang mga taong nasa likod ng pagkilos.

“Kami pa ang nag-eeffort na makontak sana sila dahil nababalitaan lang naming yun sa mga report. Sa programa nga sa DZMM, may nagpa-interview na hindi na nila kailangan ang permit kahit gaano karami ang sasali tulad ng EDSA people power. E, iba naman ang EDSA, kahit public place din ang Luneta tulad ng EDSA, hindi naman pwedeng ganun na lang. May management ang NPDC at mandato na pangalagaan ang Rizal Park, gagamit sila ng facilities dito, pano kung may biglang untoward incidents o may masira at maapektuhan yung mga namamasyal na mga bata at matatanda?” paliwanag ni Montegrande.

Sa kasalukuyan, wala pa umano silang hakbang kung dapat na silang humi­ngi ng assistance sa Manila Police District (MPD) at traffic bureau sakaling matuloy ang pagkilos lalo na’t milyong tao ang sinasabing dadalo, Hindi umano masasabing ‘pocket picnic lamang ang event dahil may intensiyon itong magsagawa ng kilos-protesta.

Nabatid na kumakalat sa social networking  ang nasabing panawagan para isulong ang imbestigasyon sa mga mambabatas na nakinabang sa pork barrel na ipinamahagi sa bogus beneficiaries kaugnay sa pagkabunyag ng pork scam queen na si Janet Lim-Napoles.

Wala umanong particular na lider o orga­nizer ang Million People March na nagsimula sa Facebook post ng isang Ito Rapadas, isang music production manager, na umani ng simpatiya at pakikiisa sa ‘Netizens’ , di lamang sa bansa, kundi sa mga Pinoy na nasa ibayong dagat.

AGOSTO

ITO RAPADAS

JANET LIM-NAPOLES

KENNETH MONTEGRANDE

MANILA POLICE DISTRICT

MILLION PEOPLE MARCH

NATIONAL PARKS AND DEVELOPMENT COMMITTEE

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with