Ulat Panahon
MANILA, Philippines - Ang Metro Manila, ang Rehiyon Ng Ilocos, Gitnang Luzon, CALABARZON at ang lalawigan ng Benguet at ang mga isla ng Batanes at Babuyan ay makakaranas ng mga pag-ulan dulot ng habagat na maaaring magdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa. Ang Kabisayaan, ang natitirang bahagi ng Luzon at ang mga lalawigan ng Caraga at Davao ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat pagkulog. Ang natitirang bahagi ng Mindanao ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. Katamtaman hanggang sa malakas na hangin mula sa timog-kanluran ang iiral sa buong kapuluan at ang mga baybaying dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon. Ang araw ay sisikat 5:43 ng umaga at lulubog dakong 6:14 ng gabi.
- Latest