Cooked food kainin agad - DOH
MANILA, Philippines - “Kainin agad ang mga relief na cooked food.â€
Ito ang payo ni Health Undersecretary Eric Tayag sa mga tumatanggap ng donasyon sa mga evacuation center na agad na kainin ang mga “cooked food†o luto nang pagkain sa loob lamang ng apat na oras.
Ito aniya ay para maiwasan ang anumang kontaminasyon sa pagkain lalo na at samut-saring mga tao ang nasa evacuation centers.
Kung hindi naman aniÂya makakain sa loob ng apat na oras ang ibinigay na pagkain ay panatilihin na lamang itong mainit para hindi makontamina ng bakterya na maaring ikasira ng tiyan.
Ginawa ni Tayag ang paalala sa pagdagsa ng mga dumarating na donasyon sa mga evacuation center kung saan ang ilan sa mga ito ay niluto nang mga pagkain.
- Latest